Ilang Pinoy, nailikas na sa Sudan

Ilang Pinoy, nailikas na sa Sudan

NAILIKAS na sa bansang Sudan ang ilang Pinoy na naipit sa kaguluhan doon.

Sa ulat ng foreign affairs ng Kingdom of Saudi Arabia, 91 sa kanilang kababayan ang nakabalik na sa kanilang bansa matapos ang kanilang repatriation mission.

Maliban sa kanilang kababayan, may 66 indibidwal din mula sa iba’t ibang bansa ang natulungan at kabilang dito ang ilang Pinoy.

Ayon sa Kingdom’s Ministry of Foreign Affairs, ang kanilang mission ay para magbigay ng tulong sa mga dayuhan upang makaalis na sa Sudan.

Sa ngayon ay hinahanda na ng KSA ang lahat ng kinakailangan ng mga nailikas na foreign nationals pabalik sa kani-kanilang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter