Ilang sikat na artists, dumalo sa fundraiser para sa AIDS Research kasabay ang 77th Cannes Film Festival

Ilang sikat na artists, dumalo sa fundraiser para sa AIDS Research kasabay ang 77th Cannes Film Festival

NAGSAGAWA MULI ng fundraising activity para sa AIDS Research ang ilang mga sikat na artists kasabay ang isinagawang 77th Cannes Film Festival sa France.

Ang iilan sa mga dumalo sa fundraiser sa ANTIBES na inorganisa 30 taon na ang nakalipas ng amfAR, isang foundation para sa AIDS Research ay ang American singer at actress na si Cher; at ang film producer na si Demi Moore.

Kasama rin dito sina Malaysian actress Michelle Yeoh; at German-American model at TV host na si Heidi Klum at ang kaniyang anak na si Leni.

Maging sina singer-actress Kelly Rowland; British author na si Sarah Ferguson, Duchess of York; Bella Thorne; at Paris Jackson.

Sa kasalukuyan ay sinabi ng amfAR na nasa 264 million dollars na ang kanilang nalikom na pera para sa AIDS Research.

Follow SMNI NEWS on Twitter