INIMBITAHAN muli ng Kamara ang mga vloggers, social media influencers, at iba pang online personalities para sa isang hearing ngayong Abril 8, 2025.
Kasama sa mga inimbitahan sina Jay Sonza, Krizette Chu, Mark Lopez, Mary Jane Quiambao Reyes, at Atty. Trixie Cruz-Angeles.
Mayroon ding 24 na indibidwal na pinadalhan ng subpoena na inaasahang maghaharap sa hearing ng Kamara, kabilang na sina Jun Abines, Lorraine Badoy, Cathy Binag, Ka Eric Celiz, Atty. Glenn Chong, at iba pa.