Illegal border crossers, inaresto sa Myanmar

Illegal border crossers, inaresto sa Myanmar

INARESTO ngayon ng mga awtoridad sa Myanmar ang illegal border crossers na pilit na pumapasok sa kanilang bansa.

Nahuli ang 47 Myanmar job seekers kasama ang apat na kasamahan nito dahil sa iligal na pagpasok.

Ayon kay Lat Ya Task Force Commander Col. Yuthana Meecharoen nahuli ang mga suspek na mga illegal border crossers na nagtatago sa puno ng mosque sa Thai Muang village sa Tambon Bong Ti nitong 6:00 ng umaga.

Nasa 28 na lalaki at 19 na babae ang nahuli ng military police patrol ng Myanmar kasama na rito ang apat na lalaki na naging guide ng grupo.

Samantala, inaasahang magbabayad ang bawat isa sa kanila ng 14,000-25,000 baht sa ginawang kasalanan.

Ipinasa sa pulisya ng Sai Yok ang 47 na naaresto na naghahanap ng trabaho at apat na gabay nito para sa legal na paglilitis.

SMNI NEWS