Illegal drug trade case ni drug lord Kerwin Espinosa, ipinababalik ng CA sa isang Manila court

Illegal drug trade case ni drug lord Kerwin Espinosa, ipinababalik ng CA sa isang Manila court

IPINABABALIK ng Court of Appeals (CA) sa isang korte sa Manila ang illegal drug trade and possession case ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Sa desisyon na inilabas nitong Pebrero, isinantabi ng 12th division ng CA ang August 2023 decision at March 14 resolution ng Manila Regional Trial Court Branch 26 na nag-aabsuwelto kay Espinosa sa kasong paglabag ng section 5 at section 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Matatandaang sa petisyon ng prosekusyon sa CA, sinabi nito na nagkaroon na ng desisyon sa kaso ang judge bago pa man maipresenta ang lahat ng kanilang mga ebidensiya.

Mula rito, sinabi ng CA na nakitaan nilang totoo ang sinabi ng prosekusyon hinggil sa presentasyon ng mga ebidensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble