AABOT sa 400 na kaso ng dengue ang naitala ng health office ng lalawigan ng Iloilo.
Ang datos ay mula Enero hanggang Pebrero 1 ngayong taon.
Apat na pasyente na ang namatay, kabilang ang isang sanggol na wala pang isang taong gulang.
Paalala ngayon ng Department of Health (DOH) na maging maingat sa pamamagitan ng 5S strategy:
- Search and destroy – Hanapin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok.
- Self-protection measures – Gumamit ng mosquito repellent, magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, at gumamit ng kulambo kung kinakailangan.
- Seek early consultation – Magpatingin agad sa doktor kung may sintomas ng dengue.
- Spraying – Pagsasagawa ng fogging lalo na sa mga lugar na may dengue outbreak.
- Sustain hydration – Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
Follow SMNI News on Rumble