SASABAK na naman sa isang panibagong pelikula ang Korean actress na si IM Yoona!
Nitong Hunyo 12, 2025 nang ilabas ang main poster para sa romantic comedy film na ‘Pretty Crazy‘.
Makakasama ni Yoona rito ang aktor na si Ahn Bo Hyun.
Sentro ang kuwento nito sa character ni Yoona na nagiging isang demonyo tuwing alas dos ng madaling araw.
Ang character naman ni Bo Hyun ang lihim na nagbabantay sa transformation ni Yoona.
Inaasahang ilalabas ang pelikula sa Agosto 2025.
Samantala, kung ikaw ay isa sa fans ni Yoona ay mayroon din siyang fantasy romantic-comedy tv series na pinamagatang ‘The Tyrant’s Chef’.
Kasama ni Yoona rito si Lee Chaemin.
Inaasahang sa second half ng taong 2025 ito matutunghayan.