MAHALAGA para sa mga rehiyon sa Mindanao ang plano ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia-Frasco na tututukan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang napakamayaman na turismo ng isla.
Ikinagalak nila ang pagbibigay prayoridad sa Mindanao dahil matapos anila ang matagal-tagal na panahon ay unti-unting nakikilala ang isla bilang isang tourist destination.
Prayoridad naman ng DOT na mabago ang pananaw ng publiko sa Mindanao.
Ito ang unang unang gagawin ng DOT ayon kay Tourism Usec. Myra Valderrosa Abubakar na aniya ay lahat ng rehiyon sa isla ay nagkakaisa upang maipromote ang turismo sa Mindanao.
Pagbibigay-diin pa ni Usec. Abubakar na ligtas ang Mindanao para sa mga turista mapa-banyaga man o Pilipino.
Una nang tiniyak ni Frasco matapos siyang maitalaga bilang kalihim na magiging inclusive ang kaniyang pamumuno sa turismo sa bansa kung saan bibigyan niya ng pantay na oportunidad ang lahat ng rehiyon upang umusbong ang kani-kanilang turismo.