Imbestigasyon sa bumagsak na C-130 plane, hindi hanggang sa black box lang — former DND Chief

Imbestigasyon sa bumagsak na C-130 plane, hindi hanggang sa black box lang — former DND Chief

ISA lang ang black box sa mga salik na dapat imbestigahan sa isang aircraft incident.

Ayon ito kay Atty. Gilbert “Gibo” Teodoro, dating Department Of Defense Chief sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu na ikinamatay ng limampu’t dalawang sundalo.

Payo ni Teodoro, mas mainam na maglunsad na ng technical investigation batay sa paraan ng Airport Safety Office para malaman kung ano ang nangyari.

Nilinaw naman ni Teodoro na parehong nangangailangan ng tamang maintenance, pagsasanay at procedures ang anumang gamit mapa-second hand man ito o brand new kung kaya’t hindi dapat gawing dahilan ng pagbagsak ang anumang spekulasyon o haka-haka.

 

 

SMNI NEWS