IPINAG-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Police District (QCPD) at QC Law and Order cluster ang imbestigasyon sa nag-viral na road rage incident sa lungsod.
Kaugnay ito sa isang lalaking umano’y bumunot ng baril at nanuntok ng isang siklista sa bahagi ng Welcome Rotonda.
Batay sa ulat ng QCPD, nangyari ang insidente noong Agosto 8 ng 6:00 ng gabi.
Nasagi umano ng siklista ang likurang bahagi ng pulang Sedan na minamaneho ni Willie Gonzales dahilan para magkaroon ng mainit na sagutan.
Pero agad namang nagtungo sa headquarters ng QCPD sa Camp Karingal si Gonzales nang makita ang komento ni QCPD Director Brig. Gen. Nicolas Torre III na sumurender na siya.
Isinurender na rin ni Gonzales ang handgun sa mga awtoridad.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng QC na mapapanagot si Gonzales sa insidente.