INILAHAD ng Quezon City government na unti-unti nang bumababa ang kaso ng krimen sa lungsod sa unang kwarter ng 2023 dahil sa iba’t ibang interbensiyon.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) na ang bilang ng mga kaso ng walong index crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Nasa 160 ang kaso ng 8 index crime noong Enero 2023, 161 noong Pebrero, at 139 na kaso nitong nakaraang buwan ng Marso.
Sa datos ng QCPD ang 92.73% ang Crime Solution Efficiency sa unang kwarter, nagpapakita ito ng pagtaas sa porsiyento ng mga nalutas na kaso mula sa kabuuang mga kaso na naiulat sa QCPD.
Ang pagbaba ng kaso ay maaaring maiugnay sa mga interbensiyon ng lokal na pamahalaan at QCPD gamit ang QCitizen Helpline 122, 3 minutes response ng pulisya, simulation exercises, at monitoring sa mga crime-prone areas.
Hinimok naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang publiko na maging mapagmatyag at huwag mag-atubiling isumbong sa mga otoridad ang anumang uri ng krimen.