Imbestigasyon sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, may matibay nang lead—PNP

Imbestigasyon sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, may matibay nang lead—PNP

MAY matibay nang mga lead ang mga awtoridad kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa business tycoon na si Anton Tan o mas kilala bilang Anson Que—na pinaniniwalaang isinagawa ng mga hindi pa nakikilalang armadong grupo noong nakaraang Marso.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuano, may konkretong direksyong tinatahak ngayon ang kanilang imbestigasyon. Gayunman, hindi pa nila ito maaaring isapubliko sa ngayon upang hindi maantala ang mga operasyon laban sa mga responsable sa krimen.

“Ang puwede ko lang ishare sa inyo ay we are pursuing very good leads bagamat sinabi nila na huwag tayo magsalita muna hangga’t hindi pa nahuhuli at nais ko rin ishare sa inyo na noong April 11 kung saan official na binuo yung task group na kung saan miyembro ang PNP, NBI at BI at kasama na doon yung DILG,” ayon kay Col. Randulf Tuano.

Mariin ding ipinakiusap ng pamilya ni Anson Que sa mga otoridad na maging maingat sa pagbibigay ng detalye sa publiko, bilang respeto sa alaala ng kanilang kaanak at upang hindi na muling masaktan sa mga maling ispekulasyon.

“Una bagamat nakiusap yung pamilya na sabi nila kung maaari ang PNP or miyembro ng task group kasama yung NBI at BI na huwag na muna magsalita kaugnay ng kidnapping sapagkat ongoing yung operations ng ating mga imbestigador,” saad ni Tuano.

Hindi kasi nagustuhan noon ng pamilya Tan ang mga lumabas na balita kung saan isinasangkot ang biktima at pamilya nito sa POGO.

Matatandaang, isa sa mga anggulo na ipinalalabas ng PNP na posibleng POGO ang motibo ng pagdukot at pagpatay kay Que na kadalasay Chinese nationals ang biktima ng mga sindikato, bagama’t may iba pa naman daw silang tinitingnang mga impormasyon.

Giit ng pamilya Tan, hindi kailanman nakikipag-ugnayan si Que sa mga ilegal na transaksiyon gaya ng POGO sa loob ng maraming dekada nang pagnenegosyo.

“The family of the late Anson Tan firmly disputes allegations that their father was involved in POGO transactions. They have no rental property in Bulacan to speak of. Mr. Tan has been engaged in legitimate business for decades and is a stalwart member of the Filipino Chinese business community and is known for his charitable work. During his lifetime, he stayed away from shady dealings and only did business with people he knew and trusted,” Statement of Atty. Jose Christopher “Kit” Belmonte, Counsel of Tan Family.

Sa kabilang banda, ngayon lamang opisyal na binuo ng PNP ang isang task force na tututok sa serye ng mga insidente ng kidnapping sa bansa—matapos ang magkakasunod na kaso ng pagdukot, partikular na kinasasangkutan ng mga Chinese national.

Ayon sa PNP, nakapagtala ang kanilang mga tanggapan ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng kidnapping kumpara noong mga nakaraang taon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble