IIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing kulto sa Socorro, Surigao del Norte.
Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. makaraang ibunyag ni Senator Risa Hontiveros sa kaniyang privilege speech ang tungkol sa kulto sa nasabing probinsiya.
Ayon kay Acorda, nakahanda silang makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makabuo ng kaso laban sa isang Jey Rence Quilario, alyas Senior Agila na lider ng kultong tinawag na “Omega de Salonera” o Socorro Bayanihan Services, Inc.
Sa impormasyon ni Hontiveros, mayroong 3,650 miyembro ang kulto kabilang ang 1,587 menor de edad kung saan ilan ang biktima umano ng rape, sexual abuse, forced labor at child marriage.
Sangkot din umano ang mga lider ng kulto sa illegal drug trade.
Samantala, tiniyak ni Acorda na titingnan nila ang alegasyon na may sariling gobyerno ang kulto.
Hindi aniya silang magdadalawang-isip na ipatupad ng batas lalo’t may iisang gobyerno lamang ang Pilipinas.