Immigration, ikinadismaya ang talamak pa ring recruitment scams sa bansa

Immigration, ikinadismaya ang talamak pa ring recruitment scams sa bansa

IKINADISMAYA ng Bureau of Immigration (BI) ang patuloy na pagkakabiktima ng mga Pilipino sa recruitment scams.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, marami-rami na ang mga biktimang Pilipino na naharang ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) subalit nagmimistulang hindi pa humihinto ang ganitong uri ng recruiters.

Madalas na nahaharang ay papuntang Thailand, Cambodia, at Myanmar.

Ipinaalala na rin ni Tansingco na dahil dito ay huwag maghanap ng mga trabaho sa abroad kung hindi dumaan sa Department of Migrant Workers (DMW).

Aniya, ito ay para sa kaligtasan ng lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter