NAARESTO noong Miyerkules ang na-impeach na Pangulo ng South Korea na si Yoon Suk Yeol dahil sa kanyang nabigong pagtatangka na magpatupad ng batas militar, matapos salakayin ng daan-daang anti-graft investigators at pulis ang kanyang tahanan upang wakasan ang ilang linggong tensyon.
Si Yoon, na nahaharap sa kasong insurrection dahil sa kanyang maikling pagtatangka na ipatupad ang batas militar noong Disyembre 2024, ang kauna-unahang nakaupong pangulo sa kasaysayan ng bansa na naaresto.
Maari siyang maharap sa parusang kamatayan o habambuhay na pagkakabilanggo kung mapapatunayang nagkasala sa kasong insurrection.