Impeachment complaint vs Marcos Jr., ihahain nina Cardema sa Kamara

Impeachment complaint vs Marcos Jr., ihahain nina Cardema sa Kamara

MAGHAHAIN ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sina Duterte Youth Chairman Ronald Cardema at Former Cong. Marie Cardema sa Kamara.
Sa 24 na pahinang reklamo, ipinunto nila na hindi tama ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nauna nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na dapat ma-impeach si Pangulong Marcos Jr. dahil sa ilegal na pag-aresto kay FPRRD.

Malinaw aniya na isa itong kaso ng Culpable Violation of the Constitution at Betrayal of Public Trust dahil pinayagan ng kasalukuyang administrasyon na manghimasok ang mga dayuhan sa soberanya ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble