Para kay Atty. Raul Lambino, hindi matutugunan ang kahirapan o problema ng bansa sa pamamagitan ng impeachment.
“Ang impeachment kasi ay isang political action. Hindi po niyan matutugunan ang kahirapan o problema ng bayan. Bagkus, magdadagdag pa ‘yan ng malaking problema sa sambayanan, kapag ‘yan ay kanilang ipagpipilitan at itutuloy na gawin,” saad ni Atty. Raul Lambino.