NANINIWALA si Albay vice gubernatorial candidate Jun Alegre na inililihis lamang ng gobyernong Marcos Jr. ang publiko kaugnay sa mga totoong nangyayari sa Pilipinas.
Sa halip nga aniya kasing tugunan ang matitinding suliranin gaya ng mataas na presyo ng bilihin, droga, kriminalidad, at korapsiyon—paniwala ni Alegre, ginagamit lang umano ang usapin para ilihis ang atensiyon ng taumbayan.
Sabi ni Alegre, dapat na maging mapagmasid ang mga Pilipino laban sa mga panloloko ng kasalukuyang pamahalaan.
Sa Albay aniya, bilyon-bilyong piso ang nakapondo sa isang distrito lang pero hindi man lang kinukuwestiyon ng Kamara.
Ang masaklap pa aniya, wala namang mga de kalidad na proyekto sa lugar—bagay na kapuna-puna dahil saan aniya napupunta ang pera ng taumbayan.
“Imagine si VP Sara ay inimpeach dahil lang sa isandaang milyong intelligence funds na kinukuwestiyon. Samantala dito po sa Albay last year, ay mga nakapark dito na 18B pesos in one year… ng COA,” ayon kay Jun Alegre, Vice Gubernatorial Candidate, Albay.
Ngayong halalan, kritikal aniya ang trabaho ng mga botante sa pagpili ng tamang kandidato na talagang may malasakit sa tao—lalo na sa buwis na binabayad nilang buwis sa gobyerno.
“Only in the Philippines or maybe here in Bicol. Alam mo aksiyong aksaya tayo pagdating sa pera, ‘yung mga politiko po natin they treat taxpayers’ money as if it’s their own money… matindi grabe,” ani Alegre.
Pinuna rin nito ang talamak na pagwaldas sa kaban ng bayan sa Bicol Region na aniya’y napupunta lang sa bulsa ng mga gahamang politiko.
“May isang barangay dito napakaliit na barangay pero may malaking pera maraming dapat i-address, hindi tayo efficient pagdating sa pera po natin,” aniya pa.
Sa gitna ng lahat ng ito, muling iginiit ni Alegre ang kahalagahan ng matalinong pagboto.
Sinabi ni Alegre na kailangan ng mga Pilipino ng isang halal na opisyal—isang lider na hindi makasarili, kundi inuuna ang kapakanan ng kaniyang nasasakupan.
Ayon pa sa kaniya, napakahalaga ng awareness ng publiko para hindi sila maloko, hindi magamit, at para hindi mauwi sa wala ang kanilang kinabukasan.
PDP candidate sa Albay, nangakong hindi iiwan si VP Sara Duterte
Samantala, bilang isang miyembro ng PDP slate ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, manalo o matalo, hindi nila iiwanan si VP Sara Duterte anuman ang mangyari sa gitna ng mga kinakakaharap nitong akusasyon at mga paninira.
“Of course, as a PDP Laban candidate… nandiyan po tayo… para kay Inday Sara,” aniya.
Follow SMNI News on Rumble