ISINAILALIM ngayon sa isang review ang implementasyon ng tattoo removal o pagpapatanggal ng mga tattoo sa mga police personnel.
Ito’y dahil ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo, ang Memorandum Circular 2024-023 na inilabas noong Marso kaugnay rito ay naipasa sa ilalim ng administrasyon ni dating Police Chief Benjamin Acorda.
Maliban sa health concerns aniya ay mayroon ding kinakailangang pera para sa pagpapatanggal ng tattoo kung kaya’t kailangan pag-aralan muli ang implementasyon nito.
Samantala, sinabi na rin ni Fajardo na hindi na pahihintulutang magdagdag ng anumang tattoo ang mga police personnel.