Importasyon ng bigas, dapat nang gawin—PBBM

Importasyon ng bigas, dapat nang gawin—PBBM

SIMULAN na ang importasyon ng bigas bilang tugon sa epekto ng Bagyong Egay at maging paghahanda na rin sa El Niño ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito’y dahil ikinababahala nito ang magiging local supply lalo na’t malaki-laki rin ang pinsalang dulot ng Bagyong Egay sa sektor ng agrikultura.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa P1.5-B ang pagtataya ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Nasa 100-k naman na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Aabot sa 130,776.58 metric tons ang production loss habang 130,440.2 na ektarya ng lupang sakahan ang apektado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble