Importasyon ng karne tumaas ng halos 50%—Bureau of Animal Industry

Importasyon ng karne tumaas ng halos 50%—Bureau of Animal Industry

TUMAAS ng halos 50 percent ang importasyon ng bansa ng karne noong Enero ngayong taon.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), mula sa 92.02 milyong kilo noong Enero 2024, umabot ito sa 137.999 milyong kilo ngayong taon.

Ang pagtaas ay sanhi ng mas maraming negosyante na bumili ng baboy, manok, at baka mula sa ibang bansa, kasabay ng patuloy na pagkalat ng mga sakit sa hayop sa Pilipinas.

Ang karneng baboy ang bumuo sa mahigit kalahati ng kabuuang dami ng naangkat na karne, kasunod ang manok at baka.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble