Importation at exportation sa Israel, sinuspinde ng Turkey

Importation at exportation sa Israel, sinuspinde ng Turkey

SINUSPINDE ng Turkey ang kanilang lahat na importation at exportation sa pagitan ng Israel.

Dahil ito sa nagpapatuloy na military action ng Jerusalem sa Gaza.

Ibabalik lang ayon sa Turkey ang kanilang kalakalan kung papahintulutan na ng mga hudyo ang pagpasok ng tuloy-tuloy na mga humanitarian sa Gaza.

Sa hakbang ay sinigurado naman ng Turkish Trade Ministry na hindi maaapektuhan ang Palestinians.

Noong isang araw lang ay sinabi ng Colombia na puputulin rin nila ang kanilang ugnayan sa pagitan ng Israel.

Sa pahayag ni Colombian President Gustavo Petro, ang pagiging “genocidal” ng Israel sa kanilang pakikipaglaban kontra Hamas militant group sa Gaza ang rason nito.

Ibig sabihin ng genocide ay ang sistematikong pagkitil ng isang pangkat, lahi, relihiyon at bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble