KINUMPIRMA ng Bureau of Plant and Industry (BPI) na hindi na nila papapasukin sa bansa ang mga imported na siyubas na darating lagpas sa deadline na itinakda ng pamahalaan.
Batay sa kautusang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dapat makarating sa bansa ang mahigit 21,000 metric tons ng imported na sibuyas hanggang Enero 27.
Sa pagdinig ng House Committee on Food and Agriculture ngayong araw, sinabi ni BPI OIC-Director Glenn Panganiban na hindi na tatanggapin ang onion shipments na darating sa bansa pagkatapos ng deadline.
Saad nito na aayon sila sa kautusan ni Pangulong Marcos na siya ring Agriculture Secretary. imported na siyubas
Napilitan naman ang pamahalaan na aprubahan ang latest na onion importation para maging stable ang presyuhan ng sibuyas sa merkado na minsan nang pumatak sa P700/kilo.