Imported pork products, dapat idaan sa mahigpit na pagsusuri laban sa ASF—SINAG

Imported pork products, dapat idaan sa mahigpit na pagsusuri laban sa ASF—SINAG

MAHALAGA na masuri para sa African swine fever (ASF) ang mga inaangkat na frozen pork products.

Ayon ito kay SINAG chairman Engr. Rosendo So sa panayam ng SMNI News kasunod sa pagiging mahigpit sa local hog producers laban sa ASF ngunit bukas na bukas ang bansa sa imported.

Aabot din aniya hanggang 100 araw ay maaari pang makitaan ng ASF ang mga frozen pork products.

Kaugnay nito ay hinihikayat din ng (SINAG) na mabigyan na ng ayuda ang mga apektadong local hog raisers at farmers dahil sa ngayon ay wala pa ring tulong na natatanggap ang mga ito.

Samantala, sa usaping pagtaas ng presyo ng bigas, sinabi ni So na posibleng maibalik ito sa normal sa susunod na cropping season bandang Nobyembre at Disyembre ngayong taon.

Sinabi rin nito na aabutin pa ng isang taon bago makamit ang P20 bawat kilo ng bigas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter