KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa September 4-7 isasagawa ang kauna-unahang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung saan kanyang bibisitahin ang Indonesia at Singapore.
Unang bibisita ang Pangulo sa Indonesia base sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.
Bibisitahin ang unang pagpupulong ng dalawang lider na inaasahang tatalakayin ang aktibo at multi-faceted na kooperasyon ng dalawang bansa sa defense, maritime, border, economic, at people-to-people cooperation.
Magpapalitan din sila ng mga pananaw sa mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa rehiyon at mundo.
Ang Indonesia, ang pinakamalaking ekonomiya sa Timog-Silangang Asya, ito rin ang kasalukuyang pangulo ng G20, isang estratehikong multilateral groupings ng mga pangunahing maunlad at umuusbong na ekonomiya.
Ang Indonesia ang incoming chair ng ASEAN sa susunod na taon.
Masasaksihan din ng dalawang pangulo ang paglagda sa ilang mahahalagang kasunduan sa mga larangan ng defense at kultura.
Makikipagpulong din si Pangulong Marcos sa mga business leaders para isulong ang kalakalan at pamumuhunan para suportahan ang economic agenda ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Pagkatapos ng pagbisita sa Indonesia, tutungo ang Pangulo sa Singapore para sa isang state visit mula Setyembre 6-7 sa imbitasyon ni Pangulong Halimah Yakob.
Magkakaroon ng magkahiwalay na pagpupulong si Pangulong Marcos kasama ang pangulo ng Singapore at Prime Minister Lee Hsien Loon upang talakayin ang close bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa, gayundin ang regional at global issues.
Masasaksihan din nina Pangulong Marcos at Prime Minister Lee ang paglagda ng mga kasunduan sa larangan ng counter-terrorism at data privacy.
Dahil ang Singapore ay pangunahing partner sa kalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas, isang economic briefing at business roundtable meetings ang isasaayos.
Nilalayon ng Pangulo na mag-imbita ng mga mamumuhunan sa Pilipinas at lumikha ng mas maraming oportunidad na trabaho sa bansa.