DAPAT ituring o ikonsiderang korapsiyon ang pagiging incompetent ng isang government official kung wala itong sapat na kakayanan na gampanan ang kaniyang tungkulin.
Ipinaliwanag ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) na mula sa tax ng taumbayan ay pinapasuweldo ang mga taga-gobyerno kaya kung hindi nito nagagampanan ang tamang serbisyo sa publiko ay maituturing itong pagsasayang ng pondo ng bayan.
Nais pa ni John Rana ng VACC na sana ay magkaroon ng zero tolerance sa mga incompetent government officials.
Naniniwala ang VACC na kapag naipatupad ito ay magiging maayos ang sistema ng bansa at gaganda ang pananaw ng international at business community sa ating bansa.