Inday Para sa Bayan Movement, nakiisa sa National Rally for Peace ng INC

Inday Para sa Bayan Movement, nakiisa sa National Rally for Peace ng INC

NAKIISA sa malawakang pagtitipon ng Iglesia ni Cristo (INC) ang ilang tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa Quirino Grandstand, Maynila.

Dumating sa lugar ang Inday Para sa Bayan Movement para magbigay suporta para kay VP Sara kasama na ang pagkondena sa isinusulong na impeachment ng mga mambabatas.

Ayon sa grupo, hindi sila pabor sa plano ng mga kalaban ni VP Sara dahil maayos naman anila na nagtatrabaho ang Pangalawang Pangulo at mas mainam na magtrabaho na lang sa Kamara ang mga kongresista.

Iginiit din ng grupo na ‘di sila naniniwala na may korapsiyon sa tanggapan ng Bise Presidente lalo na sa usapin ng Confidential Funds nito.

Anila hindi matatawag na confidential kung isisiwalat ni VP Sara kung saan at sino-sino ang intel personnel nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter