Indian defense companies, handang tulungan ang Pilipinas sa paggawa ng sariling kagamitang pandepensa

Indian defense companies, handang tulungan ang Pilipinas sa paggawa ng sariling kagamitang pandepensa

LABING walong Indian defense companies ang nasa Pilipinas ngayon para sa kauna-unahang India-Philippines Defence Industry Seminar & Business-to-Business Interactions.

Iba’t ibang produkto ang alok ng mga kompanya sa gobyerno tulad ng mga sasakyang pandepensa, rocket launch system, guided missile systems, body armour, de-kalibreng mga armas, at iba pa.

Pero hindi lamang nagtatapos sa pagbebenta at pagbili ng kanilang mga produkto ang magiging transaksiyon nila sa Pilipinas.

Layon ng mga nasabing kompanya na maipasa ang teknolohiya sa paggawa ng mga naturang produkto sa bansa.

Isa sa mga kompanyang ito ang Bharat Dynamics Limited na eksperto sa paggawa ng guided missile systems.

‘‘We believe in creating a long term relationships, long term friendly relationship. So, we don’t believe in just supplying item. We believe in creating infrastructure facilities within the Philippines in collaboration with a local partner,’’ ayon kay Ajay Bansal, International Business Head, Bharat Dynamics Limited.

‘‘India has proven track record of trying to create India’s capability to develop indigenous technology and to broad-based that into broader capacities. We are willing to offer our experience and our companies are willing to partner with relative Philippine entities to do these in meaningful manner,’’ ayon naman kay Ambassador Shambhu Kumaran, Indian Embassy.

Gobyerno, layong mas paunlarin ang defense industry ng Pilipinas

Para sa Department of National Defense (DND) magandang pagkakataon ang pagtitipon ng iba’t ibang Indian defense companies dito sa Pilipinas, hindi lang para bumili ng kanilang mga produkto ngunit ang matuto rin sa paggawa ng produktong pandepensa.

Ayon kay Government Arsenal Director Gerry Amante na isa ang bansa sa may mga pinakamalakas na defense industry sa Southeast Asia noong 1970s ngunit nahinto ang pag-unlad nito.

Ngayon aniya ay isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ang muling pagbangon ng nasabing industriya kaya aniya magandang oportunidad ito.

‘‘We are trying to gain the experience of the Indian defense industry for we can slowly indigenize portions of our defense material,’’ ayon kay Gerry Amante, Director, Government Arsenal, Department of National Defense.

‘‘We cannot keep on buying equipment because the money of the Philippines will go out of the country. We want to keep them in the country,’’ dagdag pa ng kalihim.

Ibinahagi ni Amante na nais ng bansa na gumawa ng sariling missiles, rockets, force protection equipment, at mga mas dekalibreng armas, at amunisyon.

Kung may kakayahan ba ang bansa sa pag-manufacture ng mga defense product, ito ang naging tugon ng opisyal.

‘‘We have the right minds here. We have bright Filipinos in the industry. Investors in fact. We have a lot of them locally. We can do it. We have absorbed the capacity for technology. We can develop our own technology,’’ ayon pa kay Amante.

Umaasa naman ang Indian Embassy na magpapatuloy pa ang usaping pandepensa sa pagitan ng defense companies ng India at ng Pilipinas sa hinaharap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble