Indiana Pacers pasok na sa Eastern Conference Finals

Indiana Pacers pasok na sa Eastern Conference Finals

PASOK na sa Eastern Conference Finals ang Indiana Pacers matapos talunin ang Cleveland Cavaliers sa score na 114-105 sa Game 5 ng kanilang serye. Ito na ang ikalawang sunod na taon na nakapasok ang Pacers sa conference finals.

Pinangunahan ni Tyrese Haliburton ang Pacers na may 31 points, habang nagdagdag si Pascal Siakam ng 21 points na tuluyang nag-alis sa laban ang top-seeded Cavaliers sa loob lamang ng limang laro.

Kahit may iniindang injury, umiskor ng 35 points si Donovan Mitchell para sa Cavs. Nag-ambag din si Evan Mobley ng 24 points at 11 rebounds.

Mula sa 19 points na hinahabol, muling bumangon ang Pacers at tuluyang kinontrol ang laro pagsapit ng second half.

Panalo ang Pacers sa lahat ng tatlong laban na ginanap sa Rocket Mortgage FieldHouse ng Cleveland—isang pambihirang pangyayari dahil, ngayon lang natalo ang Cavs ng tatlong beses sa sariling homecourt sa isang postseason series.

Hinihintay na lang ngayon ng Pacers ang kanilang makakalaban sa pagitan ng Boston Celtics at New York Knicks.

Bagama’t wala pang tiyak na makakalaban, handa na ang Indiana Pacers para sa Eastern Conference Finals ng NBA ngayong taon.

Pacers handa na sa susunod na makakalaban sa Eastern Conference Finals

Magsisimula ang finals series sa Miyerkules, Mayo 21, sa home court ng mananalo sa pagitan ng New York Knicks at Boston Celtics.

Kasalukuyang may 3-1 bentahe ang Knicks sa kanilang second-round series kontra Celtics.

Ang Game 2 ay gaganapin sa Biyernes, May 23, sa parehong lungsod.

Pagkatapos nito, lilipat ang laban sa Gainbridge Fieldhouse sa Indianapolis.

Magho-host ang Pacers ng Game 3 sa Linggo, May 25—isang espesyal na araw din para sa Indiana dahil ito rin ang araw ng 109th Indianapolis 500, kaya’t inaasahang isang engrandeng “Pacers & Racers” doubleheader ang magaganap.

Ang Game 4 naman ay itinakda sa Martes, Mayo 27, sa parehong venue.

Kung kakailanganin, ang Game 5 ay babalik sa New York o Boston sa Huwebes, May 29; ang Game 6 ay sa Sabado, May 31, sa Indianapolis; at ang winner-take-all Game 7 ay muling sa home court ng Knicks o Celtics sa Lunes, June 2.

Ito ang ikalawang sunod na paglahok ng Pacers sa Eastern Conference Finals at ang ika-10 sa kasaysayan ng kanilang prangkisa. Apat na panalo na lang ang kanilang kailangan upang makapasok muli sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble