Indiscriminate firing, binabantayan ngayong holiday season—PNP

Indiscriminate firing, binabantayan ngayong holiday season—PNP

MAHIGPIT na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng indiscriminate firing ngayong holiday season.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Ayon kay Fajardo, inatasan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang lahat ng commanders na tiyaking tama ang paggamit ng baril ng mga pulis.

Maaari aniyang maharap sa mabigat na kaparusahan ang sinuman sa kanilang hanay ang walang habas na magpapaputok ng baril.

Sa ngayon, walang namo-monitor ang PNP na kaso ng indiscriminate firing o nabiktima nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter