Indonesia Navy, inaming sapilitang pinaalis ang ilang Rohingya refugees na papasok sana sa kanilang bansa

Indonesia Navy, inaming sapilitang pinaalis ang ilang Rohingya refugees na papasok sana sa kanilang bansa

INAMIN ng Indonesia Navy na sapilitan nilang pinaalis ang ilang Rohingya refugees na kanilang namataan sa Weh Island, North Aceh Province nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Sa pahayag ng Indonesia Navy, isang coast guard vessel ang naka-detect ng bangkang papasok sa katubigan ng kanilang bansa mula Southern Bangladesh lulan ang maraming indibidwal.

Kinumpirma pa ito ng navy helicopter na mga Rohingya refugee kung kaya’t pinalayas ito agad ng Indonesian navy ship na naka-deploy malapit sa Weh Island.

Nakararanas sa kasalukuyan ng matinding “rejection” kung tawagin ang Rohingya refugees sa Indonesia dahil hindi na ikinatuwa ng Indonesians ang sobra-sobrang pagsidatingan ng mga ito sa kanilang bansa.

Sa katunayan, kamakailan lang ay sinalakay ng malaking bilang ng mga estudyanteng nagsasagawa ng kilos-protesta ang isang convention center sa banda Aceh kung saan matatagpuan ang daaan-daang Rohingya refugees mula Myanmar.

Ninanais ng mga ito na mai-deport ang Rohingya refugees.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble