Indonesian President Joko Widodo, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

Indonesian President Joko Widodo, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

DARATING sa Pilipinas si Indonesian President Joko Widodo sa susunod na linggo para sa isang opisyal na pagbisita sa bansa mula Enero 9 hanggang 11, 2024.

Ito ang ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) base na rin sa anunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang nasabing official visit ay inaasahang magpapalalim at magpapalawak ng ugnayan ng Pilipinas at Indonesia.

Dagdag ng PCO, ang Pilipinas at Indonesia, na parehong founding member ng ASEAN, ay malapit na magkapitbahay at magkatuwang sa matatag na kooperasyon sa malawak na hanay ng relasyong pampulitika, pang-ekonomiya, at people-to-people relations.

Magkakaroon ng pulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay President Widodo sa Enero 10.

Inaasahang tatalakayin sa nasabing pulong ang mga pag-unlad ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng matagumpay na state visit ng Filipino leader sa Indonesia noong Setyembre 4-6, 2022. Nakatakdang ipagdiriwang ng Pilipinas at Indonesia sa darating na Nobyembre ang ika-75 anibersaryo ng pormal na relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter