Inductees para sa German Moreno Walk of Fame ngayong taon, inilabas na

Inductees para sa German Moreno Walk of Fame ngayong taon, inilabas na

INILABAS na ang Filipino personalities na inductees para sa German Moreno Walk of Fame ngayong taon.

Si National Artist Ricky Lee ang inductee sa larangan ng film; si National Artist Tony Mabesa naman para sa theater.

Ang magkapatid na Ranz at Niana Guerrero ang inductees para sa social media; habang si Janet Basco para sa music.

Sa sports, si Hidilyn Diaz ang inductee; sa television category ay si Maja Salvador; sa news & public affairs ay si Mario Dumaual at sa radyo ay si Gerry Baja.

Gaganapin ang seremonya sa January 18, 5:30 ng hapon sa Eastwood City.

Nagsimula ang German Moreno Walk of Fame noong December 1, 2005 at naka-pattern ito sa sikat na Hollywood Walk of Fame.

Follow SMNI NEWS in Twitter