SINUSPINDE na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kanilang inilalabas na daily heat index para sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa state weather bureau, sinimulan na ang suspensiyon nitong Hunyo 3, 2025.
Hanggang Marso naman ng susunod na taon ay magbibigay sila ng mga napapanahong impormasyon tungkol sa mga panganib at posibleng epekto ng tag-ulan.
Sa mga lugar na patuloy na makararanas ng matinding init ay ipinaalala ng PAGASA na manatiling mapagmatyag at mag-ingat.