DAGSA ang mga botante sa Bukidnon National High School sa Malaybalay City upang ipahayag ang kanilang karapatang bumoto sa kabila ng matinding init ng panahon.
Hindi inalintana ng mga mamamayan ang pagod at init, makalahok lamang sa Halalan 2025 at makapili ng mga pinunong tunay na magsisilbi sa lungsod at lalawigan.
Gayunpaman, ilang aberya ang naiulat sa proseso ng pagboto. Maraming botante ang nabigo sa paghahanap ng kanilang pangalan sa listahan ng presinto, sa kabila ng kumpirmasyon mula sa COMELEC na sila ay rehistrado.
Ilan ang napilitang maghintay nang matagal o lumipat sa ibang presinto, na naging sanhi ng pagbagal ng daloy ng halalan at pagtaas ng tensyon sa gitna ng matinding init.