Insidente ng sunog noong Disyembre 2023, mas mababa kumpara noong 2022—BFP

Insidente ng sunog noong Disyembre 2023, mas mababa kumpara noong 2022—BFP

MAS mababa ang bilang ng insidente ng sunog na naitala noong Disyembre 2023 sa National Capital Region (NCR) kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.

Sa ibinahagi ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 97 ang fire incidents noong Disyembre 2023 subalit nasa 249 ang naitala noong Disyembre 2022.

Sa buong bansa para sa buwan ng Disyembre, nasa 1,024 ang naitalang fire incidents kung ikukumpara sa 1,090 sa taong 2022.

Sinabi rin ng BFP, ang madalas na awareness campaign sa publiko at ang pagpatutupad ng local firecracker bans ang nakikita nilang dahilan kung bakit mababa ang fire-cracker related fire incidents na kanilang naitala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble