SINABI ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na tuluy-tuloy ang recovery ng investment approvals batay sa kanilang datos mula Enero hanggang Nobyembre 2023.
Mula sa P57.05-B sa kaparehong panahon noong 2022 ay nasa P140.88-B na ito ngayong taon.
Ang ilan sa top foreign sources ng investments ng PEZA ay ang bansang Japan, Estados Unidos, Netherlands, United Kingdom, Singapore, at South Korea.
Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga, isa itong malaking progress para sa kanilang hanay lalo na’t simula 2018 hanggang 2021 ay pababa ang kanilang investment approvals.