INAKUSAHAN ng Amerika ang Iran ng “cruel” false claims matapos sinabi nitong sumang-ayon umano ang Amerika sa prisoner swap.
Una kasing sinabi ni Iranian Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian na isang kasunduan ang nabuo ay inaasahang maisasakatuparan sa mga susunod na araw.
Sinabi nitong handa na sila sa panig ng Iran habang ang Amerika ay kasalukuyan pang naghahanda para sa final technical coordination.
Sa kabilang banda, itinanggi naman ito ng White House Security Spokesperson kasabay ng pagsasabing tila hindi nagdalawang-isip ang Iranian officials na maglabas ng gawa-gawang kasunduan.
Ipinaliwanag ng White House na posibleng magdulot ng sakit ng loob sa mga apektadong pamilya.
Sa kabila ng pagtanggi ng Amerika, kinumpirma naman ng isang opisyal ng Iran na committed sila sa pag-secure ng pagpapalaya sa mga Amerikanong nakakulong sa nasabing lugar.