Iris Tolenada, maglalaro sa Korean Volleyball League ngayong taon

Iris Tolenada, maglalaro sa Korean Volleyball League ngayong taon

MAGLALARO ang Pinay volleyball player na si Iris Tolenada para sa Korean Volleyball League.

Kasunod ito ng paglagda niya ng isang kasunduan sa koponan na GS Caltex Seoul KIXX.

Sa buwan ng Agosto nakatakdang sumali si Tolenada sa volleyball squad ng GS Caltex bilang pamalit sa isang player mula Thailand.

Ang nabanggit na Pinay volleyball player ay bahagi ng F2 Logistics Cargo Movers sa Premier Volleyball League.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble