NAARESTO na ang isa pang suspek sa nangyaring ambush kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong.
Ayon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), naaresto ang suspek na kinilalang si Ameno Amatonding sa Brgy. Aguisan, Himamaylan, Negros Occidental noong Disyembre 30, 2023.
Positibo namang nakilala ng isang witness ang suspek ayon kay CIDG chief Major General Romeo Caramat.
Nahaharap ngayon si Amatonding ng 19 counts of attempted murder, four counts of murder, at three counts of frustrated murder.
Nangyari ang ambush kay Gov. Adiong noong Pebrero 17, 2023 at apat sa kaniyang mga kasamahan ay nasawi.
Marso noong nakaraang taon ay naaresto ang tatlong suspek kaugnay sa ambush habang ang pangunahing suspek ay naaresto buwan ng Mayo.