Isa sa tatlong nakapuga sa Bilibid, bayolente at walang sinasanto –Bucor

Isa sa tatlong nakapuga sa Bilibid, bayolente at walang sinasanto –Bucor

PATULOY pa rin ang ginagawang pagtugis sa natitirang isa sa tatlong notorious inmate na pumuga sa Bilibid kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang pugante na si Drakilou Falcon na paglalarawan ng Bureau of Correction (BuCor) ay bayolente at walang takot pumatay.

Pinag-iingat ngayon ng awtoridad ang publiko sa isa sa mga pumuga sa bilibid kahapon dahil ayon pa sa BuCor ito ay mapanganib na kriminal.

Ala-una ng umaga kahapon nang maganap ang pagtakas ng 3 notoryus na bilanggo sa New Bilibid Prison.

Kinilala ng BuCor ang mga ito na sina Pacifico Adlawan na may kasong frustrated homicide and drug use at si Arwin Bio na convicted sa kasong attempted murder at murder at si Drakilou Falcon na may kasong robbery with homicide at may pending na kasong double murder case.

Sa tatlo tanging si Falcon nalang ang tinutugis matapos mapatay ang 2 sa kanila matapos manlaban sa mga tumutugis na tauhan ng BuCor at PNP.

Kinokonsidera ng Bucor ang natitirang buhay na pugante na armado at lubhang mapanganib.

‘’Kaya po inilabas natin ang kanilang profile,’’ayon kay Asec. Gabriel Chaclag.

Ayon sa tagapag salita ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gabriel Chaclag, isang bayolente at basta basta na lamang nananakit at pumapatay si Falcon, dahilan para dapat maging maingat at mapag matiyag ang publiko oras na makita ang taong ito.

‘’Assurance po natin sa public…sumuko na po ito para sa ikatatahimik ng ating bayan,’’saad ni Chaclag.

Dagdag pa ni Chaclag, si Falcon ay hindi pumipili ng taong papaslangin oras na makasagabal ito sa kaniyang planong gawin.

Samantala, inihayag naman ng opisyal na isa sa mga bagay na nag pahirap sa ginawang pag tugis ay ang mga kabahayan sa paligid ng New Bilibid Prison.

Hinimok ni Chaclag ang publiko na ipagbigay alam agad sa awtoridad sakaling may alam sila sa kinaroroonan o impormasyon hinggil sa pugante dahil may kapalit din itong pabuya.

‘’Kami nga ay nag bigay narin mg pabuya..sa puganteng ito,’’dagdag nito.

Ani Chaclag walang itatago ang BuCor sa kahit anong resulta ng kanilang gagawing imbistigasyon sa publiko.

Samantala bandang 10:00 ng umaga ngayong araw nang ihayag ng BuCor na may isa pang-inmate ang nawawala.

Kinilala itong si Chris Candas Ablas na hanggang ngayon ay patuloy na pinaghahanap at posibleng kabilang ito sa mga tumakas kahapon.

May kasong robbery with homicide ang naturang pugante.

Sa muli ay panawagan ng BuCor sa publiko na agad na makipag-ugnayan sa kanila o sa ibang awtoridad ang sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng naturang dalawang pugante.

SMNI NEWS