BINABANTAYAN ngayon ang isang bagong Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa bandang Itbayat, Batanes ang lokasyon ng LPA.
Sa kabila nito ay mababa lang ang posibilidad na maging ganap ito na bagyo.
Samantala, may isa pang LPA na nasa labas ng PAR ang namataan ng PAGASA.
Mababa lang din ang tiyansa nitong maging bagyo.