DUMATING na sa Pilipinas ang pinakabagong corvette ng Philippine Navy mula sa South Korea.
Ang corvette, na isang maliit na fast naval vessel, ay pinangalanang Miguel Malvar.
Bahagi ang naturang corvette sa P28B na kasunduan sa pagitan ng Department of Defense at South Korea manufacturer na HD Hyundai Heavy Industries noong taong 2021.
Ang BRP Miguel Malvar ay inaasahang magiging pangunahing puwersa sa pangangalaga sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas gaya ng West Philippine Sea.