Isang geopolitical analyst, dudang iimbestigahan ang umano’y ‘new model’ agreement

Isang geopolitical analyst, dudang iimbestigahan ang umano’y ‘new model’ agreement

NANINIWALA si geopolitical analyst Prof. Herman Laurel na hindi aaksiyunan ng gobyerno ang panawagang imbestigahan ang umano’y ‘new model’ agreement ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Kung iimbestigahan aniya ang umano’y ‘new model’ agreement gaya ng ginagawa ng Kamara hinggil sa umano’y gentlemen’s agreement ng Duterte administration ay mapatutunayang ginagawa lamang ni Carlos ang kaniyang tungkulin.

Magugunita na pumutok ang ‘new model’ agreement matapos ilabas ng China ang transcript ng pag-uusap ng Chinese diplomat at nang inalis na Western Command Chief Vice Admiral Alberto Carlos.

Matapos ang pag-uusap ng dalawang opisyal noong Enero, inanunsiyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Col. Francel Margareth Padilla noong Pebrero na naging “flawless” ang rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Sa kabilang banda, ang pag-uusap umano ni Carlos at ng opisyal ng China ay walang basbas mula sa mataas na opisyal ng pamahalaan at tinawag pang “deep fake” ang naturang transcript ng AFP.

Habang ang Department of National Defense (DND) ay sinabing paglabag sa Anti-Wiretapping Law ang ginawa ng China kung totoong mayroong pag-uusap.

Matapos din pumutok ang isyu ng ‘new model’, ay nag-personal leave umano si Carlos ngunit sa ngayon ay tuluyan na itong inalis sa puwesto bilang WesCom Chief.

Samantala, sakali aniya na magkaroon ng imbestigasyon patungkol dito, ay dapat ding maimbitahan si PCG Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela dahil sa umano’y paglabag nito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pahupain ang tensiyon sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble