Isang heneral, iniimbestigahan sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga

Isang heneral, iniimbestigahan sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang isang heneral dahil sa pagkakasangkot umano nito sa iligal na droga.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., nasa “floating status” ang nasabing heneral.

Hindi naman isinapubliko ang pagkakakilanlan ng heneral dahil wala pang sapat na ebidensyang magdidiin dito sa iligal na droga.

Maliban sa heneral, may dalawa pang pulis na iniimbestigahan dahil umano sa pagre-recycle ng iligal na droga na nakumpiska sa operasyon.

Sinasabing kumuha ang mga pulis ng 42 kilo ng shabu mula sa 990 kilo ng iligal na droga na nakumpiska sa Tondo, Manila ngayong buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter