Isang indibidwal, arestado dahil sa talamak na pamemeke ng dokumento para makakuha ng ayuda –DSWD

Isang indibidwal, arestado dahil sa talamak na pamemeke ng dokumento para makakuha ng ayuda –DSWD

ISANG lalaki, arestado sa entrapment operation ng PNP at DSWD nitong Biyernes.

Ito ay dahil sa talamak na pamemeke ng dokumento para makakuha ng P3,500 medical assistance sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Asec. Romel Lopez, kinilala ang suspek na si Alexander Diaz Bartolo, kung saan 10 beses nang pabalik-balik ang suspek sa ilang tanggapan ng ahensya gamit ang iba’t ibang pangalan at dokumento.

Aabot sa P35,000 halaga ng ayuda ang nakuha nito mula sa ahensya.

Patong-patong na kaso ang kahaharapin ng suspek, at napag-alaman na may 5 pa itong kasabwat.

Tiniyak naman ng Quezon City Police District Batasan Station 6 na patuloy ang kanilang imbestigasyon upang mahuli ang sinumang gumagawa ng anomalya sa mga ahensya ng pamahalaan.

 

Follow SMNI News on Twitter