Isang indibidwal na tinaguriang ranked no. 10 most wanted sa CALABARZON naaresto ng Binangonan PNP

Isang indibidwal na tinaguriang ranked no. 10 most wanted sa CALABARZON naaresto ng Binangonan PNP

HIMAS rehas ang isa sa dalawang lalaki na sangkot sa panggagahasa sa isang estudyante at tinaguriang Ranked no. 10 most wanted person ng CALABARZON matapos ang ginawang operasyon ng mga tauhan ng Warrant Tracker Team ng Binangonan Municipal Police Station sa Brgy. Macamot Binangonan, Rizal.

Base sa report na nakalap ni Provincial Director PCol. Felipe Maraggun, sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court, Branch 67, Binangonan, Rizal para sa kasong (4 counts of Rape) na walang nirerekomendang piyansa ay inaresto nila ang akusado na si Alyas Bry, 22 anyos, single at nakatira sa Binagonan, Rizal.

Dagdag pa rito, nangyare ang nasabing krimen noong August 10, 2023 kung saan nagsimula ito sa simpleng inuman na nauwi sa panggagahasa sa biktima.

Kasalukuyang nasa Binangonan Custodial Facility ang akusado para sa tamang disposisyon at pagproseso ng kaso.

Ayon kay PCol. Maraggun, ang Rizal Police Provincial Office ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga wanted person at hindi titigil ang kapulisan ng Rizal PNP sa pagsugpo ng krimen na sumisira sa seguridad, kapayapaan at kaayusan sa probinsyang kanilang nasasakupan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter