Isang milyong kababaihan target ng DOH sa cervical cancer screening ngayong taon

Isang milyong kababaihan target ng DOH sa cervical cancer screening ngayong taon

INANUNSIYO ng Department of Health (DOH) na target nilang magsagawa ng screening ngayong taon para sa isang milyong kababaihan laban sa cervical cancer.

Pangunahin namang tatanggap ng bakuna para rito ang mga batang babae na may edad siyam hanggang labing apat na taong gulang.

Layon ng programa na bigyang-lakas ang mga kababaihan sa pangangalaga ng kanilang kalusugan habang pinalalakas din ang kanilang kamalayan ukol sa cancer.

Simula Mayo noong nakaraang taon, nasa higit 200K (242,783) na ang mga kababaihang sumailalim sa cervical cancer screening.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble