Isang panibagong mobile police outpost, itinalaga sa PITX

Isang panibagong mobile police outpost, itinalaga sa PITX

ISANG bagong mobile police outpost ang itinalaga sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City.

Layon nitong matugunan nang mabilis ang mga kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region (NCR).

Ilan sa mga pangunahing binabantayan nito ang mga terminal, mga transportation hub, at iba pang pampublikong lugar para mapigilan ang mga criminal activities dito.

Ayon kay NCRPO chief BGen Jonnel C. Estomo, ang mobile police outpost ay isang rolling police station para sa mga patroller bilang kanilang standby point at accessible sa mga tao at mahihingan ng anomang tulong na kailangan nila mula sa PNP.

Ang outpost ay idinisenyo bilang movable o may gulong para sa madaling paglipat sa ibang mga lugar na nangangailangan ng presensya ng pulis lalo na mga malalaking okasyon gaya ng Undas at Kapaskuhan.

 

Follow SMNI News on Twitter