BSP-NCR Regional Advancement Camp, nilahukan ng libu-libong kabataan

BSP-NCR Regional Advancement Camp, nilahukan ng libu-libong kabataan

HIGIT 5,000 mga estudyante mula 17 local government units (LGUs) ng National Capital Region (NCR) ang nakiisa para sa Boys Scout of the Philippine (BSP)-Regional Advancement Camp.

Ang tatlong araw na BSP camp ay kasalukuyang ginagawa sa loob ng kampo ng Philippine Navy, Fort Bonifacio sa lungsod ng Taguig sa pakikipagtulungan na rin ng Taguig City Associate Council.

Ayon sa Public Affairs Unit ng Philippine Navy nasa mahigit tatlong libong estudyanteng physical ang lumahok habang higit dalawang libong estudyante naman via online ang nakilahok sa aktibidad.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, suportado ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Regional Advancement Camp.

Dahil sa pinaniniwalaan na  napakaganda ng aral na itinuturo ng scouting sa mga kabataan.

Ayon din sa alkalde, ang layunin ng tatlong araw na pagsasanay ng mga kabataan ay para muling maipaalala sa mga scouts ang kahalagahan ng isang batang Pilipino na maging mabuting miyembro ng komunidad.

Ito rin aniya ay makatutulong sa karakter ng mga bata na hindi lang iniisip ang sarili kundi iniisip maging ang kapwa, matutong magmalasakit, at  rumisponde sa panahon ng pangangailangan.

Samantala, bukas nakatakdang isagawa ang camp fire na dadaluhan ng ilang government officials.

 

Follow SMNI News on Twitter